Saturday, July 16, 2005

AHEM! INTRODUCTION

Robin ang tawag sa akin sa office,Robert naman kapag kabarkada, Bobby sa bahay,sleep-zero naman ang cybername- shit ang dami! Dating USTedyante.Sniper ng chics sa kung saan saang lugar. Wiswiswis! Jologs.Kenkoy.Komikero.Stirero.Nakikibasa lagi ng Magazine at kung ano-anong babasahin ng iba. Mang aagaw!Nakikikopya ng downloads ng iba- lalo ng MP3s.Panggabi ang trabaho.Pa-kyut.Mang aasar.Usesero.Malaswa.Pintasero hindi naman gwapo.Kapag walang pasok nanunuod ng piratang dvd na bili sa Quiapo.Kakulitan ang mga manong, drivers,saleslady at mga tartar sa kanto.Mahilig mangarap na makakatuluyan si Diana Zubiri o kaya si Angel Locsin- mahuli di ko tatanggapin!!!Adik sa mga old school na porma.Pinoy Bands.Mahilig tumabi sa magaganda.Mahilig manood ng sine.Madalas magkutkot ng balat sa kamay.Maarte.Pasikat,lalo na kapag may magandang dumadaan.Flirt.Nagkakamot habang tumatae.Nakapamewang kapag umihi.Makwento wala namang kwenta.Makulit!Parang si Olek!TagaBarangay Ginebra din.Mayabang.Mapagpanggap na bibili sa isang botique na may pumasok na seksing chic.Chismoso.Nagdadasal paminsan minsan.Patago kung iiyak.Naiinggit sa mga lalaking may magagandang syota.At higit sa lahat,nagpapanggap na writer eh hindi naman.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home